20/04/2025
Hindi na ako one call away.
Nakalimutan ko na yung huling araw na kinailangan ako. Yung mga panahong dalawa kong palad ang nakabukas. Dalawang tainga ang nakikinig, magpapalakas ng loob,upang kahit paaano, mabawasan ang kirot sa kanilang dibdib.
Nakalimutan ko na yung huling araw na may nagsabi sa akin kung libre ba ako. Kailangan kasi nang may masusumbungan at makikinig sa lahat ng kwento. Matagal na panahon rin pala ang ginugol ko. Binibitbit ko rin pala noon ang pasanin ng ibang tao.
Nakalimutan ko na nga ding kamustahin ang sarili ko. Hindi na rin pala ako kadalas magsabi sa iba. Iniisip ko na lang na marami rin silang problema, kaya sariling tapik sa likuran sabay bulong na "Kayanin mo pa”.
Wala naman kasi akong magagawa.
Kaya natuto na rin akong magpunas ng sariling luha.
Kaya ko ng umiyak nang tahimik.
Hindi ko na madalas lahat dinidibdib.
Kaya pasenya na kung hindi na ako yung “one call away”. Inilayo ko muna at sinasagip ang sarili. Tapos na akong makinig sa lahat. Kailangan ko na munang harapin ang sariling hirap.
Lagi na lang kasi akong one call away.
Nakalimutan ko tuloy na kailangan ko din ng karamay, nang makikinig , ng pag-ibig.
Nakakalungkot man, ngunit wala man lang sa akin ang sumagip.