04/08/2025
**"Tay, ang bigat-bigat na po. Parang gusto ko nang makatakas sa sakit. Buhay na buhay ka pa rin sa puso’t alaala ko, pero hindi ko na po magagawa ang gusto ko—na alagaan ka, punasan ang luha mo kapag umiiyak ka.
Tay, naapektuhan na po ang mental health ko. Sa tuwing naiisip kong dapat nandiyan ka lang sa tabi ko, parang gusto ko na lang makausap ka. Gusto kong pasalamatan ka. Kasi kahit wala ka na, nagparamdam ka pa rin. Tinuro mo sa akin kung paano magmahal, at kung paano tanggapin ang pagmamahal.
Pangako po, mag-aaral ako nang mabuti. Pangako, dadalawin kita palagi. I’ll always be ‘afford’, Tay—para sa atin. Pero ang daya mo… iniwan mo ako bago ko pa man maabot ang pangarap natin.
Ikaw sana ang aakyat sa entablado para sa akin. Gusto ko sanang mayakap ka kahit isang beses lang. Gusto kong punasan ang luha mo habang nilalagnat ka—kahit sa graduation.
Pero ngayon po, ako ang umiiyak. Nasasaktan po ako, Tay. Ayaw ko sanang makita kang umiiyak kahit sa alaala ko.
Gusto ko pong isigaw sa mundo na kahit hindi niyo po ako kadugo—minahal niyo po ako nang buo. Gusto kong malaman ng lahat kung gaano po ako ka-proud sa inyo. Dahil kayo lang po ang tunay na nagparamdam kung paano mahalin.
Kayo po ang nagturo kung paano maging isang Ama. Kayo po ang dahilan kung bakit natuto akong maniwala sa sarili ko.
Tay, paano niyo po ako naging proud? Sana kahit wala na po kayo, maramdaman niyo pa rin kung gaano po ako nagpapasalamat.
Maraming salamat po, Tay. Hanggang sa muli… mahal na mahal po kita."**