24/10/2025
Mula pa noong bata ako,
ako na ang pumupunas ng sarili kong luha.
Walang kamay na aabutin,
walang yakap na sasalo sa pagod ko.
Natuto akong tumahimik,
yakapin ang lungkot nang mag-isa,
at ngumiti kahit alam kong
ako lang talaga ang kakampi ko.
Pero ayos lang—
kasi kaya ko naman.
Nasanay na akong bumangon,
kahit walang sumasalo sa pagbagsak.
Dahil minsan,
ang tunay na lakas
ay ’yung kaya mong sabihing,
“Walang problema, kaya ko ‘to.”