28/03/2026
𝘏𝘜! 𝘏𝘈! 𝘖𝘚𝘔𝘌Ñ𝘈
𝑅𝑒𝑚𝑖𝑛𝑖𝑠𝑐𝑒 𝑎𝑛𝑜 𝑡𝑎𝑟𝑎?
Hindi na kwarter ang natapos kundi ang isang school year na, ngunit may halong lungkot at saya dahil ito na ang huling taon ng mga mag aaral ng section osmeña sa junior high school.
Hindi maikakaila ang lungkot dahil sa loob ng ilang buwan, araw araw na nagkasama ang apatnapu't pitong estudayante sa iisang kwarto na kanilang itinuring na tahanan. Ito man ay hindi perpekto ngunit sa mata ng osmeña wala na silang mahihiling pang iba.
Sa ilang buwan na iyon may iba't-ibang pangyayari na magsisilbing memorya sa lahat ng mag aaral ng osmeña—lalong lalo na tuwing nage-ensayo para sa mga kompetisyon na ang kagustuhan ng lahat ay manalo at maipahayag ang kagalingan ng osmeña. Hindi man lahat ay pare-pareho ng kagalingan, ngunit iyong maasahan na bawat isa ay may taglay na galing sa iba't-ibang uri ng bagay.
At syempre, nais din naming magpasalamat sa aming tagapayo na si Sir Felicito Jr Ireneo. Maraming maraming salamat po. Siya ang nagsilbing pader sa tahanang aming binuo, naging gabay s'ya sa bagay na aming ginagawa lalo na sa paaralan at patungkol sa pamilya. Naging inspirasyon s'ya ng lahat dahil sa mga paalala n'yang tatagos sa iyong puso. Hinding-hindi namin makakalimutan ang pinaka-iconic mong linya: “𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓶𝔂 𝓭𝓮𝓪𝓭 𝓫𝓸𝓭𝔂”
na naging part na ng vocabulary namin. Mula sa section osmeña, MAHAL KA NAMING LAHAT, SIR JUN!
This may be our last post as students of section osmeña, pero hindi ito goodbye— kundi “see you around” na may dalang memories na panghabambuhay. Salamat sa lahat ng memorya minamahal kong osmeña! We stayed. We laughed. We survived together. Muli, mula sa pinaka-magulo, pinaka-maingay,
at pinaka-“unique” na section ito na ang pinakahuling,
𝘏𝘜! 𝘏𝘈! 𝘖𝘚𝘔𝘌Ñ𝘈.