14/08/2026
#34
Assalamu alaikum warahmatullahi wabarakatuhu, Ina Ami a bae. 🤍
Gusto ko lang po i-share ang personal experience ko. Please hide my identity po kasi real account ko ito.
“Minahal ko siya, pero sa huli ako rin pala ang masasaktan…”
Simulan ko na po ang story ko.
Nakilala ko si “Yusof” (fake name) noong 2023 nang umuwi siya galing Manila. Doon siya lumaki. Ina a bae, hindi ko rin alam kung bakit, pero noong first time ko pa lang siyang nakita, may kakaiba na akong naramdaman. Noong una hindi ko pa inaamin sa sarili ko na gusto ko siya, pero habang tumatagal, doon ko napagtanto na nahuhulog na pala ako sa kanya. Noong umuwi na ang mga kasama niya at siya na lang ang naiwan dito sa Ingud, sobrang saya ko kasi alam kong mas madalas ko na siyang makikita. 🤣 Nang mag-opening na sa school, malayo ang bahay namin sa school kaya nag-stay muna ako sa bahay ng kapatid ng lola ko na malapit sa school. Nagkataon na doon din siya naka-stay dahil magkamag-anak naman kami. Doon ko mas nakilala siya. Siya ang unang lumalapit kapag nag-uusap-usap kami. Lagi siyang sumasabay sa amin, at doon ko naramdaman na parang may connection kami.
Lumipas ang mga buwan, hanggang sa dumating ang graduation ko sa Madrasa. Ininvite siya ng tita ko, pero sinabi niya na baka hindi siya makapunta dahil may work pa sila.
Kinabukasan, nalaman ko na uuwi na pala siya. Hindi ako naniwala agad kasi biglaan. Pero habang nagbibihis ako, nag-chat siya sa akin at sinabi niyang hindi siya makakapunta sa graduation ko dahil uuwi na siya. Sobrang lungkot ko noong araw na iyon. Noong aalis na siya, hindi ko siya pinansin kasi nasasaktan ako. Pero ngumiti lang siya sa amin at bago siya umalis sinabi niya, “Sopiah, aalis na ako ah.” Ang nasabi ko lang, “Ah oo sige na.” (Utang na loob, utal pa ako noon 🤣)
Pag-alis niya, sobrang lungkot ko. Iniisip ko na hindi na ako magpaparamdam sa kanya. Pero habang nagbabasa ako ng Qur’an noong Ramadhan, bigla siyang nag-chat at sinabi niyang nasa Manila na siya. Hindi ko talaga in-expect na magcha-chat pa siya.
Simula noon, minsan nagpaparamdam siya at minsan naman nawawala. Dumating yung time na sobrang nami-miss ko siya kaya ako na rin ang nagpaparamdam. Isang gabi, nakita niya ang shinare kong post tungkol sa first letter ng crush ko dati at ngayon. Pinilit niya akong sabihin kung sino ang tinutukoy ko. Hindi ko agad sinabi, hanggang sa siya mismo ang umamin na crush daw niya ako. Doon ko rin sinabi na siya pala ang tinutukoy ko sa post ko. Sinabi niya rin na napansin daw niya sa mukha ko na malungkot ako noong aalis na siya. Syempre, malungkot ako kasi aalis na yung taong gusto ko. Hanggang sa dumating ang araw na naging kami. Sobrang saya ko noon kasi naging akin ang taong matagal kong hinangaan at minahal.
Pero habang papalapit ang 10 months namin, napansin ko na nagbago siya. Hindi na siya tulad ng dati. Nabawasan ang oras niya sa akin, hindi na siya masyadong nagpaparamdam, at parang ayaw na niyang makipag-usap. Doon ko naramdaman na baka may iba na siya.
Isang araw tinanong ko siya kung bakit hindi na siya nagcha-chat. Sinabi niya na gusto muna niyang mapag-isa dahil may problema siya sa nanay niya. Sabi ko okay lang, basta magparamdam lang siya kapag okay na siya.
Pero hindi ko in-expect ang sumunod niyang sinabi. Sinabi niya sa akin na may bago na raw siya doon. Sobrang sakit, Ina a bae. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko noong time na iyon. Ilang araw akong nawalan ng gana at sobrang nasaktan. Pero ngayon, unti-unti na akong okay. Namimiss ko siya minsan, pero natutunan ko rin na hindi lahat ng minamahal natin ay mananatili sa atin. May mga taong dumarating sa buhay natin para bigyan tayo ng masasayang alaala at may mga taong aalis para matuto tayo.
Yon lng po, thank U sa pag babasa🤍
Please respect my story. 🤍