19/03/2026
Alam niyo ba kung ilang beses na akong nag-try sa food business?
Hindi isa. Hindi dalawa.
Tatlo.
First: Siomai stall sa may Pier 3, Cebu.
Teenager pa lang ako nun, college student. First time ko talagang mag-negosyo.
Ang exciting non. Bagong simula, bagong dream. Puno ako ng energy, puno ng hope.
Tapos dumating ang reality.
Nakakapod pala. Hindi ko alam kung paano mag-manage ng inventory at ng tao. Hindi rin ako marunong mag boost ng sales. At nung tiningnan ko talaga ang numbers? Yung idea na "okay naman ito" sa isip ko, hindi pala okay sa papel.
Long story short—Nagsara.
Second: Cakes, muffins, sliced pastries.
Nagbenta kami sa mga bazaar. Naging permanent food stall pa kami sa isang mall.
Pero yung demand? Hindi sapat. Sinubukan naming to make it work. Hindi talaga.
Nagsara ulit.
Third: Baking supplies store.
At dito nagsimulang maging interesting ang kwento.
Pandemic. Everybody was stuck at home and everybody suddenly wanted to bake.
Dun nag-boom ang business namin.
Nung una, takot ang asawa ko. Reasonable naman. May pandemic, may lockdowns, delikado lumabas. Pero nakita namin ang opportunity. Gusto namin i-take advantage bago pa mawala.
Kaya ginawa namin.
Naghanap kami ng bagong suppliers. Nag-import pa kami ng mga supplies galing China—sa gitna ng pandemic, ha.
Habang nandoon siya sa store araw-araw, nandito naman ako sa bahay kasama ang mga bata. Mas ligtas yun. Nagtatrabaho kaming dalawa, magkaibang lugar, iisang pangarap.
Yung feeling na finally, may gumagana na. Finally, your bet paid off. Finally.
Nag-expand pa kami ng branch sa kabilang bayan.
Tapos dahan-dahan, nawala.
Nag-ease ang restrictions. Bumalik ang tao sa opisina. Dumami ang competition. Naging mahal ang rent. At yung demand na nag-carry sa amin? Nawala na rin.
Nung nagsara kami, it was a bittersweet moment.
I cherished all the memories. Pero alam ko rin na kailangan ko nang tumigil sa pag-romanticize and just be practical about it.
So, nagsara.
Tatlong negosyo. Halos dalawang dekada. Kasama ang asawa ko sa lahat—yung bf ko noon sa Pier 3, yung partner ko ngayon sa buhay.
Matagal na akong hindi nag-post dito. Kasi paano mo isusulat ang mga bagay na hindi mo pa tapos na tinatanggap?
Ngayon, kaya na.
I'm coming back. Isusulat ko ang mga lessons na natutukan ko sa halos dalawang dekada ng pagsubok—yung mga bagay na sana may nagsabi sa akin bago pa ako nagsimula.
Walang coach energy. Walang toxic positivity. Totoo lang—galing sa isang taong dumaan na talaga.
Follow niyo ang page kung gusto niyo ng ganun.
Kayo? Nag-try na rin ba kayong mag-negosyo? O nag-iisip pa lang? Anong nangyari o anong pinaghahandaan niyo? 👇