08/05/2026
Sabi nila si Leandro Leviste raw ay simbolo ng bagong politika dahil bata.
Pero puwedeng bata ang edad at hukluban ang galawan. Puwedeng fresh ang mukha pero ang estilo, lumang trapo na ni-rebrand lang. Hindi lahat ng bagong mukha ay bagong sistema. Minsan, bagong packaging lang ng lumang kalakaran.
So young. So trapo.
Hindi ito simpleng tarp. Hindi ito simpleng pasasalamat. Hindi ito simpleng “personal na handog.”
Ito ang sakit ng politika natin: epal politics.
Kapag ang tulong, proyekto, o regalo ay may mukha at pangalan ng pulitiko, ang mensahe sa tao ay hindi na “serbisyo ito.” Ang dating ay “utang na loob mo ito sa akin.”
Diyan nagsisimula ang patronage politics.
Kaya kahit sabihin nilang “pera naman niya ’yan,” hindi pa rin lusot. Ang issue dito ay hindi lang source of funds. Ang issue ay political effect.
Kung tunay na bukal sa loob ang pagtulong, bakit kailangan may mukha?
Kung tunay na serbisyo, bakit kailangan may pangalan?
Kung tunay na malasakit, bakit mukhang campaign material?
Sabi nga ni Miriam Defensor Santiago, ang paglalagay ng pangalan ng public officers sa government projects ay epal: mapapel, attention-grabbing, scene-stealing. At mas malala, it promotes a culture of political patronage and corruption.
Eksakto.
Kasi kapag nasanay ang tao na ang tulay ay “kay congressman,” ang ayuda ay “kay mayor,” ang scholarship ay “kay governor,” at ang regalo ay “kay ganito,” unti-unti nating nakakalimutan ang pinaka-basic na prinsipyo ng demokrasya:
Ang serbisyo publiko ay hindi personal favor. Trabaho nila iyon. Mandato iyon. At kung public funds ang involved, pera ng bayan iyon. Hindi scrapbook ng angkan. Hindi album cover ng ambisyon.
At kung personal funds naman daw? Fine. Tumulong. Walang problema sa pagtulong.
Pero tanggalin ang mukha. Tanggalin ang pangalan. Tanggalin ang political branding.
Dahil kapag kailangan mong ipaalala sa tao kung sino ang tumulong, hindi charity ang ginagawa mo.
Down payment ’yan sa utang na loob.
At diyan nasisira ang electoral system natin. May mga kandidatong may utak, prinsipyo, competence, at track record pero walang milyones para magkalat ng mukha sa bawat pader. Samantala, may mga dynasty kids na bago pa campaign period, nasa tarpaulin na, nasa project na, nasa greeting na, nasa ayuda na, nasa bawat sulok na parang wallpaper ng ambisyon.
Tapos tatawaging “bagong politika” dahil bata?
Hindi porket young, reformist na. Hindi porket bagong mukha, bagong sistema na. Hindi porket walang puting buhok, malinis na ang pulitika.
Trapo is not an age.
Trapo is a behavior.
At kung bata ka pero ang instinct mo ay magpa-tarpaulin, mag-brand ng tulong, at magtanim ng political recall gamit ang pasasalamat ng tao, hindi ka simbolo ng bagong politika.
Ikaw ang lumang bulok na sistema na nagpalit lang ng profile picture.