04/08/2024
"ANG KAIBIGAN KONG MULTO"
By: argie abenido
Noong mga panahong iyon, kami’y laging masaya at naglalaro sa labas ng bahay. Ang gabi ay tila isang malaking playground para sa amin, at madalas kaming naglalaro ng tagu-taguan hanggang sa magdapo ang dilim. Isang gabi, habang pauwi kami mula sa paglalaro, sinalubong kami ng isang matandang lalaki na may kulubot na mukha at nakasuot ng sira-sirang coat. May tinatanong siya kung saan ang papuntang bayan. Tinanong namin siya kung anong ginagawa niya sa oras na iyon, at sagot niya, “Umiihi lang ako.”
Nag-alala kami para sa kanya, kaya’t sabi ko, “Sana magmadali ka na, matanda, gabi na.” Ngumiti siya nang pilit at nagpasalamat, pagkatapos ay nagbigay siya ng babala, “Magmadali na rin kayo pauwi. Delikado na sa labas.”
Habang kami’y naglalakad pauwi, bigla naming napansin ang isang maputing anino na lumilitaw sa dilim. Ang puso ko ay naglalagabog sa takot habang ang dalawa kong kaibigan, sina Marco at Lisa, ay tumakbo palayo na parang mga alitaptap sa dilim, iniwan akong mag-isa. Ang mga tuhod ko’y nanginginig, ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong lapitan ang anino. Nang magharap kami, nakita ko ang isang White Lady—napaka-puti ng kanyang balat, tila lumilipad na puting damit ang kanyang suot, ngunit ang mga mata niya ay puno ng pangungulila.
Nang makita niyang nalilito ako, dahan-dahang sinabi niya, “Wag kang matakot. Hindi ako masama. Gusto ko lang makipagkaibigan.”
Aral!
Wag tayong matakot sa nanog makikita natin!